‘Adopt a Poor Family’ program ng Archdiocese of Manila umarangkada na

0
18

Umarangkada na ang ‘Adopt a Poor Family’ na programa ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, tagapangalaga ng Archdiocese of Manila, magbabahay-bahay ang kanilang mission chaplains upang magbigay ng ayuda sa mahihirap.

Karamihan anya ng kanilang mission chaplains ay naninirahan din sa slums kaya’t alam nila ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.

Samantala, humingi ng paumanhin si Bishop David sa pamilya ng mga nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nang ipost nya ang pangalan ng mga biktima sa kanyang Facebook account upang humingi ng dasal.