ACT sumugod sa DepEd kasbaya ng budget hearing para sa kagawaran

0
23

Sumugod ang grupo ng mga guro sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) kasabay ng ginawang budget hearing para sa kagawaran.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), nais nilang ipapanawagan na huwag bawasan ang pondo ng DepEd at isama sa budget hearing ang salary increase para sa mga guro.

Inihihirit ng grupo ang 16,000 na salary ng Grade 1 habang 30,000 para naman sa teacher 1 at P31,000 naman para sa instructor 1.

Kaugnay nito, umaasa naman ang ACT na diringgin ang kanilang kahilingan hindi lamang sa mga guro pati na rin sa iba pang empleyado na nasa ilalim ng kagawaran ng edukasyon.