31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Abueva mananatili sa Phoenix kahit suspendido

- Advertisement -

Mananatili sa Phoenix si Calvin Abueva kahit suspendido ito sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ito’y matapos ianunsyo ng Phoenix na wala silang balak i-trade si Abueva sa ibang koponan.

Ayon kay Phoenix Fuel Master Team Governor Raymond Zorilla, nananatili ang kontrata ni Abueva sa kanilang koponan kahit pa ito’y sinuspinde ng PBA.

Aniya, isang ‘fake news’ ang mga ulat na nagbabalak na lumipat sa ibang team si Abueva.

Matatandaang sinuspinde ng PBA si Abueva matapos nito masangkot sa iba’t-ibang kontrobersiya tulad ng pambabastos nito sa girlfiriend ng elite rookie na si Ray Parks.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -