Abnormal activity sa bulkang taal nagpapatuloy —Phivolcs

0
25

Patuloy ang naitatalang abnormal activity ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa bulkang Taal.

Batay sa bulletin ng Phivolcs, kahapon, umabot sa 116 na volcanic earthquakes ang kanilang namonitor sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Dalawa sa mga nabanggit na aktibidad ng bulkan ang naramdaman sa Barangay Calauit Balete, Batangas gayundin sa mga barangay Alas-as, San Nicolas, at pira-piraso sa Talisay, Batangas.

Bunsod nito, nananatili namang nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpunta sa main crater ng bulkan dahil sa inaasahang mga steam explosion at mataas na concentration ng mga toxic gases.