Abby Binay naiproklama na bilang alkalde ng Makati City

0
49

Naiproklama na si Abby Binay bilang alkalde ng Makati City.

Ito ay batay sa resulta mula sa Makati City Board of Canvassers kung saan nakakuha ito ng 179,522 na boto, habang pumangalawa naman ang kapatid nitong si Junjun Binay na nakakuha lamang ng 98,653 na boto.

Sinundan naman ito nina Ricky Yabut, Rene Bondal, Wilfredo Talag at Love Alanzalon.

Samantala, hindi naman dumating si Abby sa Makati Coliseum nang isagawa ang proklamasyon.