A.O. sa pagbebenta at paggamit ng Electronic Nicotine Delivery Systems ilalabas na – DOH

0
62

Ilalabas na sa susunod na buwan ng Department of Health (DOH) ang administrative order ng regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng Electronic Nicotine Delivery Systems (ENDS) kabilang ang e-cigarettes.

Ipinabatid ito ni Health undersecretary at spokesman Eric Domingo matapos aprubahan ng DOH executive committee ang administrative order na kailangan na lamang isapinal bago pirmahan ni Health secretary Francisco Duque III.

Pangungunahan aniya ng Food and Drug Administration (FDA) na pinamumunuan niya ngayon ang pagpapatupad ng regulasyon ng ends ipagbabawal na ibenta sa bata, i-advertise at hindi uubra ang mga flavor na attractive sa mga bata at kailangang nakasulat ang sangkap ng produkto.