99% suplay ng tubig naibalik na ng Manila Water

0
53

99% ng mga customer ng Manila Water ang nabibigyan nang suplay ng tubig, walong (8) oras kada araw.

Ito ang inihayag mismo ni Manila Water President and CEO Ferdinand Dela Cruz sa pagharap sa joint meeting ng House Committees on Government Enterprises and Privatization at Public Works and Highways.

Ayon kay Dela Cruz, bagamat nakararanas pa rin sila ng kakulangan ng suplay, umaabot naman sa 99. 95% ang kanilang water availability sa loob ng walong (8) oras.

Habang 92% na ng kanilang mga customers ang nakatatanggap ng tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa loob ng dalawampung (20) oras kada araw.

Samantalang, 91% naman ng kanilang mga customers ang nakakakuha ng 24 oras na suplay ng tubig.