99 % ng suplay ng tubig sa Pasig City naibalik na

0
53

Naibalik na ang 99 na porsyento ng suplay ng tubig sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa Pasig Disaster Risk Reduction and Management Office, may sapat nang suplay ng tubig maging ang mga matataas na gusali sa pasig gaya ng mga condominium.

Maliban dito, nabawasan na rin ng 50 porsyento ang pagrarasyon nila ng tubig sa mga residente sa pamamagitan ng tanker ng LGU.

Gayunman, may 1,000 bahay pa rin sa Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan at 100 bahay sa Kawilihan, Barangay Bagong Ilog ang pahirapan pa rin ang suplay ng tubig dahil nasa mataas itong lugar.