91% ng mga LGU sa buong bansa nakasunod sa itinakdang deadline ng SAP ng DILG

0
38

Nasa 91% ng mga Local Government Units (LGU) ang nakasunod sa deadline na itinakda ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa distribusyon ng cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nasa 1,265 LGU’s ang nakahabol sa deadline, kagabi.

Sinabi ni Malaya, kabilang sa ‘top performing’ LGU’s sa bansa ang Caraga na 100% nakumpleto ang distribusyon ng SAP.

Sinundan naman ito ng Bicol Region na 99.96% nang tapos, Soccsksargen 98.92%, CAR 96.8% at Zamboanga Peninsula 96.47%.

Habang nangunguna naman sa Metro Manila ang Caloocan City na 99% nang tapos sa distribusyon ng cash subsidy para sa benepisyaryo ng SAP.

Samantala, nag-umpisa na rin namang magpadala ng show cause order ang DILG laban sa mga LGU’s na nabigong makasunod sa deadline.