Sunday, May 5, 2024

9 patay sa magkahiwalay na vehicular accident sa Albay at Zamboanga Del Sur

- Advertisement -

Sumampa na sa anim ang namatay sa aksidente sa bayan ng Daraga sa Albay.

Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Marvin Altavano at ang anak ni Sonia Nomo na si John Patrick.

Sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang dump truck na may kargang mga bato.

Sinasabing nasa 11 iba pang sasakyan ang nadamay sa aksidente kung saan kasama sa mga namatay ang hindi pinangalanang drayber ng dump truck.

Walo ang sugatan sa insidente pero isa na lang ang nananatili sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang inaalam na rin kung sino ang may-ari ng dump truck na ayon sa kanila ay posible ring makasuhan.

Samantala, pumalo naman sa tatlo ang patay matapos sumalpok ang isang trailer truck sa 7 kasalubong na mga sasakyan sa bayan ng Ramon Magsaysay, Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Senior Insp. Ryan Wakat, officer-in-charge ng Ramon Magsaysay Police, agad namatay ang isang truck driver at dalawang pahinante habang apat ang sugatan.

Sinasabing malubha rin ang lagay ng isa pang truck driver.

Sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang trailer truck at aksidenteng nabangga ang mga kasalubong na mga sasakyan.

Nabatid na galing ng Pagadian City ang trailer truck na may kargang mga asukal at papunta sana ng Ozamiz City nang mangyari ang naturang trahedya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img