30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

9 mangingisda na dinukot ng Abu Sayyaf Group pinalaya sa Talipao Sulu

- Advertisement -

Pinakawalan na ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG ang 9 na mangingisdang Badjao sa Talipao, Sulu.

Ayon kay Talipao Police Chief, Police Maj. Napoleon Lango,namataan ng kanyang mga tauhan sa Kahawa Village ang isang grupo ng mga lalaki.

Dito na nalaman ng mga awtoridad na ang mga ito ay dinukot ng mga umano’y miyembro ng Abu Sayyaf habang nangingisda sa karagatang sakop ng Sabah, Malaysia noong Hunyo  18.

Sinabi ng opisyal na nasa mabuting kalagayan ang mga badjao at hindi rin nagbayad ang mga ito ng ransom kapalit ng kanilang paglaya.

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -