33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

9 katao patay sa banggaan ng bus at UV express sa Cam Sur

- Advertisement -

Patay ang 9 na tao sa banggaan ng bus at UV express van sa Camarines Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, patungo ang UV express sa Naga City habang Manila bound naman ang bus nang magkasalpukan sa highway sakop ng Barangay San Vicente, bayan ng Pamplona.

Ang 9 na nasawi ay pawang mga pasahero ng van kasama na ang drayber nito habang sugatan naman ang 4 na sakay ng bus.

Sumuko naman sa mga pulis ang drayber ng bus.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -