8 pang Pinoy sa Japan cruise ship positibo sa COVID-19

8 pang Pinoy sa Japan cruise ship positibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
37 views

Walo (8) pang Pinoy sa Diamond Princess cruise ship ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19), isang araw bago matapos ang kanilang quarantine.

Dahil dito, umaabot na sa 35 ang bilang ng mga Pilipinong positibo sa COVID-19 mula sa mahigit 500 Pinoy na sakay ng cruise ship.

Samantala, 14 sa mahigit 300 U.S. citizens na iniuwi ng kanilang pamahalaan sa Amerika ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Idineretso ang lahat ng ini-evacuate na U.S. citizens sa Travis Air Force Base sa California at Joint Base San Antonio sa Texas kung saan sila  iqu-quarantine ng panibagong 14-araw.

Inilagay muna sila sa isolation tent bago binigyan ng hiwa-hiwalay na apartments.

0 comment

Related Posts