71 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

0
17

Nakapagtala ng 71 mahihinang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos ng PHIVOLCS, nakapagtala rin ng mahihinang pagbuga ng steam-laden plumes sa crater ng Bulkang Taal kung saan ay umaabot ito sa 50 hanggang 100 metro ang taas.

Dagdag pa rito, nasa 59 tonnes per day naman ang average na sukat ng sulfur dioxide na ibinubuga ng Bulkang Taal.

Samantala, nakataas pa rin sa alert level 3 ang status ng Bulkang Taal, na nangangahulugan na maaaring magkaroon pa rin ng mahihinang pagsabog, volcanic earthquake, ashfall at lethal volcanic gas expulsions.

Kung kaya’t inirerekomenda parin ng PHIVOLCS ang pagbabawal makapasok sa Taal Volcano Island at sa 7km radius mula sa main crater ng bulkan.