70th anniversary diplomatic ties ng PH-SoKor ginunita

0
40

Isinagawa ang isang frienship parade sa Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila bilang bahagi ng pag-gunita sa ika-70 anibersaryo ng diplomatic relation ng Pilipinas at Republic of Korea.

Nagsimula ang parada sa Quirino Grandstand kaninang ala-6 bng umaga bago nagtungo ng Roxas Boulevard, Rajah Sulayman at bumalik sa Grandstand.

Kabilang sa mga sumama sa parada ang mga miyembro ng Girl Scout at Boy Scout of the Philippines na may dalang malaking watawat ng Pilipinas at South Korea.

Gayundin ang ilang mga miyembro ng banda na nakasuot ng tradisyunal na damit ng mga South Koreans.

Samantala, nag-deploy naman ng mga pulis, traffic enforcers at ibang pang mga kawani ang pamahalaang lungsod ng Maynila para magbigay ng seguridad at  mag-ayos ng trapiko.