Monday, May 6, 2024

700 pulis nasibak sa Metro Manila mula 2016

- Advertisement -

Halos 700 pulis sa Metro Manila ang nasibak at 1,000 naman ang nasuspinde mula taong 2016.

Ipinabatid ito ng NCRPO bilang bahagi ng internal cleansing program nito.

Ayon sa NCRPO, sa unang tatlong taon ng administrasyong Duterte, nasa kabuuang 177 pulis  ang nasibak, 1,378 ang nasuspinde, 190 ang na demote at halos 400 ang na-exonerate.

Sinabi ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na maituturing itong most opportune time para magsagawa ng internal cleansing lalo’t nadoble na ang sahod ng mga pulis.

Tiniyak ni Eleazar na tuluy-tuloy ang paglilinis sa kanilang hanay laban sa mga pasaway na pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img