70% ng SAP naipamahagi na sa mga LGU

0
22

Mahigit na sa 70% ng P100-B laan sa social amelioration program para ngayong Abril ang naipamahagi na sa mga local government units (LGU).

Ayon kay Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, natanggap na ng 934 local government units ang pondo para maipamahagi sa mga kwalipikado nilang constituents.

Target anya ng DSWD na makumpleto ang distribusyon ng P100-B pondo para sa social amelioration ngayong linggo.

Samantala, may mahigit na rin anya sa 170,000 na pamilyang hindi kasama sa 4P’s ang nakatanggap ng emergency subsidy mula sa DSWD maliban pa sa mahigit sa 40,000 driver ng pampublikong sasakyan.