30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

7 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Agusan Del Sur

- Advertisement -

Patay ang 7 katao habang 2 iba pa ang sugatan sa malagim na aksidente sa Prosperidad, Agusan Del
Sur.

Wala pang pagkakakilanlan ang 7 nasawi habang dinala naman sa ospital ang 2 nasaktan sa trahedya.

Nasa custodial facility na ng Prosperidad police station ang driver ng pickup.

Sa imbestigasyon, lulan ng tricycle ang 9 katao na maliligo sana sa dagat habang papuntang Davao naman ang kasalubong na pickup na bumangga sa kanila sa Purok 6, Patin-ay.

Sa lakas ng impact, nakaladkad ng pick-up ang tricycle hanggang sa mapunta sila sa palayan.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang aksidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -