34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

7 miyembro ng NPA patay sa engkuwentro sa Antique

- Advertisement -

Patay ang pitong (7) pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army o NPA sa naganap na engkuwentro sa barangay Atabay San Jose, Antique kaninang alas-12:00 ng madaling araw.

Ayon sa report, magsisilbi lang sana ng warrant of arrest ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at ng Philippine National Police (PNP) laban sa ikina Jason Talibo alyas Bebe at Joven Ceralvo alyas Lex sa kasong frustrated murder nang sumiklab ang palitan ng putok na tumagal ng 30-minuto.

Nang humupa ang putukan ay pitong bangkay ang nakita ng mga awtoridad na sinasabing pawang mga regional officer ng CPP-NPA sa Panay Island.

Ang grupo ang itinuturong responsable sa extortion activities sa buong Region 6.

Ilan sa mga nabawi sa grupo ay ang malalakas na uri ng baril, bala, computers, cellular phones, cash at extortion letters.

Wala namang napaulat na nasugatan sa panig ng puwersa ng AFP at PNP na nagsagawa ng operasyon.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -