7 kilo ng hinihinalang Cociane narekober sa Quezon

0
46

Aabot sa 7 bloke ng hinihinalang Cocaine na may bigat na 7 kilo ang itinurn-over sa pulisya sa bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon

Batay sa ulat ng Quezon Provincial Police Office, 1 kaninang hapon nang makatanggap ng tawag ang Hepe ng Mauban Police na si P/Ltc. Julio Go hinggil sa mga nasabing bloke sa dalampasigang bahagi ng Sitio Bulwagin, Barangay Cagsiay uno sa nabanggit na bayan

Natagpuan lamang ang mga ito sa dalampasigan ng tindero ng isda na kinilalang si Ruel Sendon Perez  na nagpi-picnic lang sa lugar kasama ang pamilya kaya’t agad nilang ipinagbigay alam sa mga pulis para sa proper disposition

Agad dinala sa Provincial Crime Laboratory ang mga nakuhang cocaine na batay sa Dangerous Drugs Board ay nagkakahalaga ng 35 milyong piso

Kasalukuyan nang sinusuri ng Crime Lab ang mga nakuhang Cocaine