Tuesday, May 7, 2024

64% ng mga Filipino ang sumusunod sa social distancing —SWS

- Advertisement -

Mayorya ng mga Filipino o katumbas ng 64% ang palagiang sumusunod sa social o physical distancing magmula ng maranasan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batay ito sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa may 4,010  mga respondents sa pamamagitan ng mobile phone poll mula Mayo 4 hanggang 10.

Lumabas din sa survey na 19  na porsyento ng mga Filipino ang madalas na inoobserba ang social distancing at siyam na porsyento ang minsan lamang.

Habang 6% bihirang sumunod sa social distancing at tanging point 5% lamang ang hindi kailanman inobserba ito.

Isa ang social o physical distancing sa mga ipinatutupad na hakbang ng mga awtoridad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img