610 Pinoy seafarers mula London naka-uwi na ng bansa

0
25

Balik bansa na ang may 610 mga Pinoy seafarers mula sa London.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsalubong sa mga mandaragat sa NAIA terminal 1 kahapon.

Sakay ng dalawang chartered flights ang mga nasabing Pinoy na pawang tripulante ng MV Queen Mary 2 na isa sa pinakamalaking cruise ship sa mundo.

Sumailalim ang mga nasabing Pinoy seafarers sa medical protocols bago dumaan sa mandatory 14 days quarantine period.