60 percent election returns natanggap na ng PPCRV

0
48

Natanggap na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang 60 porsyento ng election returns, kahapon.

Ayon sa PPCRV, natanggap na nila ang mahigit 51,000 election returns mula sa 85,000 kabuuang bilang nito.

Una rito, kinumpirma naman ni PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra na, na-encode na nila ang halos 40,000 election returns sa buong bansa.

Samantala, sinabi rin ni Buenaobra na target nilang matapos ang manual encoding sa loob ng dalawang linggo hanggang isang buwan.

—–