6 patay, 39 sugatan sa pagsalpok ng isang bus sa isang puno sa Hong Kong

0
24

Nasawi ang anim na katao habang 39 ang sugatan lulan ng isang bus double decker, matapos itong sumalpok sa punong kahoy sa Hong Kong kahapon.

Nagpahatid naman ng pakikiramay si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam sa lahat ng pamilya ng biktima ng naturang insidente kasabay narin ng pag atas sa kinauukulang ahensya para mabigyan ng ayuda ang lahat ng sugatan at pamilya ng mga nasawi.

Samantala, iniimbestigahan na ng Hong Kong police ang sanhi ng naturang insidente.