27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

6 na suspek sa pagpatay kay Rep. Batocabe hawak na ng PNP

- Advertisement -

Kumpleto nang hawak ng PNP o Philippine National Police ang anim na suspek sa pagpatay kay AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ito’y makaraang sumuko na rin sa mga tauhan ng Albay Provincial Police Office ang isa sa mga suspek na si Nonsol Arimando alyas “RR” sa lalawigan kaninang alas siete ng umaga

Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde, naka-check in si Arimando sa isang hotel sa Masbate nang isuko ito ng kaniyang asawa at anak na isang active CAFGU dahil nakararamdam na umano ito ng banta sa kaniyang buhay.

Una rito, sumuko na rin sa regional intelligence office 5 ang isa pang suspek at malapit kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo na si Danilo Muella alyas “Manoy Dan” kaninang ala una ng madaling araw.

Magugunitang kahapon, sumuko na rin sa mga awtoridad si Jaywin Babor alyas “Gie” gayundin ang gunman na si Henry Yuson alyas “Rommel” na sumuko sa kampo militar sa Sorsogon.

Habang nakakulong na rin sa tanggapan ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group sa kampo Crame sina Christopher Naval Alayas “Tuping”, Emmanuel Rosello alyas “Boboy” at ang testigong si Emmanuel Judavar alyas “Jude”

Sa kasalukuyan, si Mayor Baldo na lamang na itinuturing na mastermind sa kaso ang nag-iisang at-large at pinaniniwalaang nasa labas na ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -