Tuesday, April 30, 2024

6 na Pinoy na inilikas sa Libya pauwi na sa PH — DFA

- Advertisement -

Pabalik na ng Pilipinas ang anim na overseas Filipino workers (OFW) na lumikas mula sa Tripoli, Libya.

Ayon kay Charge D’affaires Elmer Cato, sumunod ang mga nasabing Filipino sa apela ng embahada na magsilikas na ng Tripoli.

Kabilang din sa magbabalik bansa ang dalawang miyembro ng rapid response team ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Magugunitang nagpapatupad na ng mandatory evacuation ang pamahalaan sa mga manggagawang Filipino sa Tripoli at kalapit na lugar nito matapos itaas sa alert level 4 ang sitwasyon doon.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img