Anim na miyembro ng NPA o New Peoples Army ang sumuko sa NolCom o Northern Luzon Command sa Nueva Ecija.
Kabilang dito ang limang regular na miyembro at isang milisyang bayan member na pawang nasa ilalim ng Josefino Corpuz Command o kalauna’y tinawag na “Kilusang Larangang Gerilya Caraballo.”
Kasamang isinuko ng mga nasabing rebelde ang ilang matataas at mababang uri ng armas at mga bala tulad ng grand rifle at shotgun.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, ang nasabing pagsuko ay resulta ng mas pinaigting pang opensiba ng NolCom sa Nueva Ecija, Pangasinan at Nueva Viscaya.