6 katao namatay sa avalanche sa Austrian alps

0
33

Nasawi ang anim na katao sa nangyaring avalanche o pag-guho ng yelo mula sa bundok sa Austrian alps.

Lima rito ay pawang mga Czech Republic nationals, habang ang isa ay 33 anyos na pulis mula sa Southern Carinthia region.

Ayon sa mga otoridad, naabutan ang mga biktima habang nagsasagawa ng  snowshoeing  trip sa itaas ng bundok na may taas na mahigit 9,000 talampakan.

Gumamit naman ng helicopters ang mga rescuers upang mailigtas ang mga biktima.