29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

6 katao kinasuhan ng NBI matapos mahulihan ng armas sa Rizal

- Advertisement -

Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim kataong iniuugnay sa New People’s Army (NPA) matapos mahulihan ng matataas na uri ng armas sa Rizal.

Kabilang sa mga sinampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang negosyanteng Chinese na si Ke Be I alias Lily Ong, Brandy Solinap, Victor Dela Cruz, Diosdado Bohol at dalawa pang Chinese nationals na sina Bi-Lian Ke at Ke Quiao Li alias Sam Jany.

Ang mga nasabing suspek ay dinakip sa raid ng NBI-Special Action Unit sa farm ni Lily Ong sa Brgy. Dalig sa bayan ng Tersa batay sa search warrant na inisyu ng korte.

Nilinaw naman ng NBI na wala pang direktang mag uugnay sa mga suspek sa lumulutang na ‘Red October’ plot laban sa Duterte administration.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -