29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

59 debotong lumabag sa ordinansa sa kasagsagan ng Traslacion 2020 kakasuhan — NCRPO

- Advertisement -

Kakasuhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 59 na mga debotong lumabag sa mga ipinatupad na ordinansa ng lungsod ng Maynila sa kasagsagan ng Traslacion ng itim na Nazareno.

Ayon kay NCRPO acting Director Brig. General Debold Sinas, hindi pinakinggan ng mga nabanggit na deboto ang tagubilin ng mga awtoridad hinggil sa mga bawal sa prusisyon.

Kabilang aniya sa sasampahan ng kaso ang mga debotong sumira sa mobile ng NCRPO sa kasagsagan ng Traslacion.

Habang hindi naman aniya kasama ang mga nangbato ng bote ng mineral water na may lamang ihi sa mga pulis. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -