548 pang health workers tinamaan ng COVID-19 —DOH

0
74

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 548 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng mga health workers, kaya’t umakyat na ang bilang nito sa kabuuang 9,042.

Sa pinakahuling bulletin ng DOH, nadagdagan din ang bilang ng mga health workers na gumaling sa virus na aabot sa 470, kung kaya’t lumobo na rin ang bilang ng mga nakarekober na health workers sa COVID-19 sa kabuuang 8,180.

Nasa 59 naman ang bilang ng mga nasawing health workers dahil sa COVID-19 makaraang madagdagan ito ng tatlong panibagong bilang.

Sa kaparehong bulletin ng DOH, lumalabas na nasa higit 800 mga health workers pa ang patuloy na nagpapagaling matapos na dapuan ng nakamamatay na virus.