36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bayan Ng Baao, Tatlo Na Ang Binawian Ng Buhay Mula Sa Covid-19

- Advertisement -

Iriga City — Umabot na sa tatlo ang namamatay sa bayan ng Baao, Camarines Sur matapos na maitala ng DOH-CHD Bicol ang kamatayan ni Bicol # 1536 na isang 81 taong gulang na babae mula sa Brgy. Buluang nabanggit na bayan habang ito ay ginagamot sa Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga kahapon.

Lumabas ang positive result sa pasyente noong ika-9 ng September subalit dahil na rin sa sakit nitong cancer, ito diumano ang nagpalala sa kanyang kondisyon.

Ayon kay Mayor Jeff Besinio, kahapon nai-cremate na ang biktima at sinunod naman ang tamang protocol ng DOH.

Sa kabuuan, pito na ang binawian ng buhay sa lalawigan ng Camarines Sur at sa buong Bicol Region 58 na ang namatay, habang 1,809 na ang nakarecover mula sa kabuuang 1,627 na kaso.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: DOH-CHD Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -