Sunday, May 5, 2024

50 smuggled at endangered reptiles mula sa Thailand nakumpiska sa NAIA

- Advertisement -

50 smuggled at endangered reptiles ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs at DENR sa NAIA Terminal 2.


Ang mga nakumpiskang hayop, ayon kay Atty. Andres Villaruel ng DENR-NAIA, ay laman ng dalawang bagahe ng isang neil ryan dysoco na sakay ng Philippine Airlines mula Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Villaruel na walang maipakitang mga dokumento si Dysoco kaya’t kinumpiska na nila ang mga chameleons, bearded dragons at iguanas.

Itinanggi naman ni Dysoco na alam niyang nasa bagahe niya ang mga endangered reptiles na nagkakahalaga ng P25,000 hanggang P45,000 sa black market.

Si Dysoco ay maaaring kasuhan nang paglabag sa Wildlife Resources Conversation and Protection Act.

with report from Raoul Esperas (Patrol 45) 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img