50 pang ventilators ang ipapadala ng China sa bansa kontra COVID-19

0
10

Magpapadala ng 50 pang ventilators sa Pilipinas ang China bilang bahagi ng ayuda nito sa ating bansa sa giyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, inaasahang darating na sa susunod na linggo ang medical aid mula sa kanilang bansa.

Matatandaang bukod sa milyun-milyong halaga ng health equipment na donasyon ng China sa Pilipinas, dumalaw din sa ating bansa ang ilang Chinese medical experts bilang suporta nito sa paglaban sa virus.

Samantala, muling tiniyak ni Huang na uunahin ng China ang Pilipinas sakaling makabuo na sila ng epektibong bakuna laban sa COVID-19.