Ito mismo ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar.
Kung saan sinabi nito na tatlo (3) rito ang nakatalaga sa QCPD habang tig-isa naman ang nakatalaga sa MPD, at NPD.
Aniya, kabilang ang limang (5) pulis sa patuloy na minomonitor ng mga otoridad dahil sa pagkakangkot ng mga ito sa drug recycling.
Paliwanag pa ni Eleazar, sa ngayon ay wala pa silang matibay na ebidensiya upang patunayan ang pagkakasangkot ng mga nasabing pulis sa operasyon ng illegal drugs ngunit tiniyak nito na patuloy silang kumakalap ng ebidensiya laban sa mga ito.