5 rehiyon naka-full alert status dahil sa gaganaping 30th SEA Games — PNP

0
23

Itinaas na ng Philippine National Police (PNP) ang full alert status sa limang rehiyon sa bansa sa paggunita ng SEA Games sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, kanilang isinailalim sa full alert status ang mga regional offices sa Region 1, 3, 4, a at National Capital Region (NCR).

Aniya, gaganapin kasi sa mga nabanggit na rehiyon ang ilang major events para sa SEA Games.

Epektibo ang full alert status ng PNP simula alas otso ng umaga ngayong araw hanggang Disyembre 14.

Samantala, inihayag rin ni Banac na naka-heightened alert naman ang mga iba pang rehiyon.