5 Pinoy na ang nasawi dahil sa COVID-19 sa Saudi Arabia

0
30

Limang Pilipino sa Saudi Arabia ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto, kabilang ang mga ito sa naitalang 119 na mga Pilipino sa nabanggit na bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Paliwanag ni Alonto, maiuugnay ang pagtaas sa bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Saudia Arabia sa ikinasang mass testing ng pamahalaan doon.

Dagdag ni Alonto, libre at gastos ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang pagpapagamot sa ospital ng mga nagpopositibo sa virus sa nabanggit na bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Alonto na patuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia na apektado ng pandemic lalo na ang mga kasalukuyang “no work no pay” ang status.

May nakatakda na rin aniyang repatriation flights para sa mga na-stranded namang mga OFW’s bunsod rin ng COVID-19 pandemic.