5 patay sa madugong kilos-protesta sa Bolivia

5 patay sa madugong kilos-protesta sa Bolivia

by Powered by DWIZ
20 views

Patay ang 5 katao matapos mag pang abot ang mga otoridad at mga raliyista sa Bolivia.

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga taga suporta ni dating Bolivian President Evo Morales na bumalik ito sa bansa matapos ang paglipad sa Mexico.

Ayon sa  mga nakakita, nagpaulan umano ng bala ang mga pulisya na naging sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.

Mapayapang nagsimula ang protesta hanggang sa nagpumilit ang mga raliyista na lumagpas sa checkpoint sa Cochabamba.

Nagsimula ang karasahan sa mga kilos protesta matapos i-anunsyo ni Bolivian Interim President Jeanine Anez na mahaharap si Morales sa iba’t-ibang kaso oras na bumalik ito sa Bolivia.

0 comment

Related Posts