Thursday, May 2, 2024

5 patay sa isang checkpoint sa Cotabato

- Advertisement -

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad mula sa pnp at afp ang nangyaring engkuwentro sa bayan ng pikit, lalawigan ng cotabato nitong biyernes ng gabi na nagresulta sa pagkasawi ng 5 armadong lalaki

Ayon kay Lt/Gen. Cirilito Sobejana, ang Commander ng Wesmincom o Western Mindanao Command, nangyari ang insidente Biyernes ng gabi kung saan, 1 sa mga nasawi ay anak ni Dating Maguindanao Gov. Nurodin Matalam na si Hashim

Sakay ng isang SUV ang 5 armadong lalaki mula sa Poblacion ng Pikit patungo sa direksyon ng pagalungan nang mapadaan ang mga ito sa ikinasang checkpoint sa National Highway

Subalit sa halip na huminto, bigla na lang humarurot ang sasakyan at pinaputukan pa ang mga awtoridad habang papalayo na siyang nag-udyok sa mga Sundalo para gumanti

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang iba’t ibang mga basyo ng Bala, mga Armas at Granada gayundin ang ilang pakete ng hinihinalang Shabu at mga Drug Paraphernalia

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img