35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

5 Days Abaca Festival Virtual Celebration Sa Catanduanes, Sinimulan Na

- Advertisement -

Pormal nang binuksan kahapon, araw ng Lunes, Mayo 24, 2021 ang pagsisimula ng limang araw na virtual na selebrasyon ng  “Abaca Festival” sa lalawigan ng Catanduanes. Ang nasabing selebrasyon ay may temang “Kusog kan Hibla ng Abaca: Burunyog sa Paglaban sa Pandemya”. Ipinagdiriwang ang Abaca Festival tuwing ikaapat na Linggo ng Mayo base na rin sa Provincial Ordinance No. 21-2015.

Sa pagsisimula nito’y isinagawa na ang E-Barakalan, Trade and Tourism Fair, Festival Queen Costumes Exhibit, asin Presentation of Abaca Arch and Facade Entries. Kung saan ipineresenta ng mga lumahok sa event ang mga glamorosa at nagagandahang gowns/costumes na yari sa ABACA at ang mga natatangi nilang obra na may kaugnayan sa abaca.

Kahapon, isinagawa ang Rawit sa Abaca Spoken Word Poetry Contest, AbaCaptures (Photography Contest), at  AbaCatandungan sa Radyo. Isasagawa naman ngayong araw at bukas ang Abaca Festival Virtual Concert, Abaka Tiktok Dance Fest, at Abaca-da: Usaping Pagpapaunlad ng Industriyang Abaca sa Isla. Magtatapos naman ang nasabing selebrasyon sa Mayo 28, 2021 sa pamamagitan ng isang Festival Queen Virtual Showdown at Virtual Closing and Awarding Ceremonies.

Ang pagdiriwang ng Abaca Festival ay naglalayon na mapaangat ang kamalayan ng mga Catandunganon sa mahalagang kontribusyon ng abaca sa industriya o ng ekonomiya. Kilala rin ang Catanduanes bilang Abaca Capital ng Pilipinas dahil sa ito ang Number 1 Producer ng abaca sa buong bansa.

(Source: Baretang Bicol, photo courtesy of Catanduanes Tourism Promotion)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -