493 pang health workers tinamaan ng COVID-19

0
9

Nadagdagan pa ng 493 ang health workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos mula sa Department of Health (DOH), nasa 5,759 na ang kabuuang bilang ng health workers na nagpositibo sa COVID-19 kung saan 39 dito ang nasawi.

Sa kasalukuyan ay nasa 701 ang active cases at kasalukuyang ginagamot o kaya ay naka-quarantine.

Pinakamarami sa mga nagkaroon ng COVID-19 ay nurses, sinundan ng mga doktor, nursing assistants, medical technologies at maging mga midwives.