46 katao patay sa sunog sa isang tren sa Pakistan

0
20

Patay ang 46 katao nang masunog ang isang tren sa Punjab Province sa Pakistan.

Nabatid na sumiklab ang apoy matapos sumabog ang isang gas canister na ginagamit sa pagluluto.

Ayon sa railways ministry office ng Pakistan nangyari ang insidente Huwebes ng umaga kung kailan naghahanda ang mga pasahero para sa kanilang almusal sa tren.

Pinangangambahang madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.