35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

46-Anyos Na Ginang Na Sangkot Sa Love Scam, Arestado Sa Entrapment Operation Sa Buhi Camarines Sur

- Advertisement -




Arestado ang 46-anyos na ginang na nagpanggap bilang ibang tao para makapangloko ng pera sa isang kawani ng Philippine Navy sa Buhi, Camarines Sur.

Kinilala ang nadakip na suspek na si “Rackie” residente ng Barangay Sta. Elena.

Ayon kay PLt. Christian Oida, Deputy Chief of Police ng Buhi MPS, bandang alas-5:45 ng hapon nang ikasa ng Regional Anti-Cybercrime Unit 5 at ng Buhi PNP ang entrapment operation laban sa ginang Matapos makuha ang P5,000 padala ng biktima na isang Navy, ay agad na pinosasan ng mga operatiba ang suspek sa isang tindahan sa Barangay San Buena.

Dito, nabisto ang modus ng suspek na ginamit ang pangalan at larawan ng isang babae na tagaroon din sa Buhi upang ichat sa Facebook at hingan ng pera ang biktimang Navy na agad naman nagpadala noon ng ₱ 30,000.

Kalaunan, ay nagduda na aniya ang lalaki kaya naghanap ito ng paraan upang matiyak kung ang babae na kaniyang ka-chat ang siya bang tunay na nagmamay-ari ng Facebook account.

Laking gulat nito nang matunton at makilala ang tunay na may-ari ng larawan na itinanggi na siya ang ka-chat nito sa Facebook kaya agad na nakipag-ugnayan ang biktima sa Anti-Cybercrime Unit para mahuli ang babae na sangkot sa Love Scam.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 10175 o Identity Theft.

(Source: Rinconada News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -