40,000 testing kits nakatakdang bilhin ng DOH

0
46

Nakatakdang bumili ang Department of Health (DOH) ng 40,000 testing kits para sa corona virus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DOH humingi sila ng dagdag na budget na P139-M para makabili ng dagdag na testing kits.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi naman lahat ay uubrang i test kundi yun lamang mga nasa acute phase o malalang sintomas na ng sakit.

Samantala ipinabatid ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire na inaasahang darating sa linggong ito ang isanlibong testing kits para sa COVID-19 mula sa World Health Organization.