400 pulis positibo sa iligal na droga 1k minomonitor – PNP

0
43

Aabot pa sa 1000 mga pulis ang patuloy pa ring binabantayan ngayon ng Philippine National Police dahil sa kanilang iligal na gawain

Iyan ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde makaraang ilunsad ng pambansang pulisya ang IMEG o Integrated Monitoring Eforcement Group na kapalit ng CITF o Counter Intellegence Task Force

Ayon kay albayalde, asahan nang mas lalo pa nilang paiigtingin ang ginagawang internal cleansing sa hanay ng pulisya upang matiyak na magiging maayos ang kanilang kampaniya kontra krimen at iligal na droga

Dagdag pa ng PNP Chief, mayruong 400 pulis na ang nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot batay sa kanilang datos, kayat naniniwala siyang malaki ang maitutulong ng IMEG para masala ito

Kasunod nito, sinabi ni Albayalde na dahil sa bagong National Support Unit ng PNP, kakailanganin nila ang karagdagang kagamitan at mga tauhan mula sa SAF o Special Action Force upang maging matagumpay ang kanilang layuning linisin ang hanay ng pulisya mula sa mga tiwali at abusadong mga pulis