400 na mga iskolar ng TESDA sa GenSan, nagtapos

    0
    4
    photo courtesy of TESDA Region XII

    Mismong si Technical Education and Skills Development Authority 12 Regional Director Jerry G. Tizon, JD ang nanguna sa isinagawang graduation ceremony ng General Santos National School for Arts and Trade na nasa General Santos City.

    Kasama sa mga nagtapos ang 22 na mga iskolar na sumailalim sa Diploma Program in Hotel and Restaurant Services, isang programa ng TESDA na tumatagal ng tatlong taon.

    Nasa 400 din na mga iskolar na kumuha ng iba’t ibang mga kwalipikasyon ang kumuha ng kanilang mga sertipiko ng pagtatapos.

    Ayon pa kay GSNSAT School Administrator Princess A. Maaya na kinagagalak nito na naging bahagi sya sa makasaysayang aktibidad ng GSNSAT, kung saan nagtapos ang unang batch ng kanilang Diploma
    Program.

    “Masaya ako na naging bahagi ako ng kanilang pagtatapos at pag-abot nila sa kanilang mga pangarap, sana ay marami pa tayon matulungan” ayon pa kay Administrator Maaya.

    Sa talumpati ni Deputy Director General Vidal V. Villanueva III na ibinahagi ni TESDA 12 Regional Director Jerry G. Tizon, JD, ay puno ito ng kagalakan at pagbati sa mga nagtapos sa programa. At hiling nito na maging bahagi ang mga programa ng TESDA ng kanilang mga pangarap sa buhay.

    Nagbigay din ng mensahe si TESDA Secretary/Director General Jose Francisco “Kiko” Benitez, na binati ang mga nagtapos at maging ang kanilang mga magulang.

    “Isa itong importanteng bahagi ng buhay ninyo, sana ay maging bahagi ang TESDA sa pag-abot ng inyong mga pangarap” isa sa mga nagging mensahe ni Secretary Benitez.

    Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay din ng mensahe si Regional Director Tizon, kung saan hinimok nito ang mga nagtapos na gawing oportonidad ang bawat programa ng TESDA upang mabago ang kanilang buhay.

    “Hindi lamang kaalaman ang inyong natamo kundi kayo rin ay nakapaghubog ng praktikal na kasanayang na may mataas na pangangailangan sa merkado, kasanayang magdadala sa inyo ng tagumpay sa mabilis na nagbabagong mundo.” patapos na pananalita ni Director Tizon.

    Maging mga kawani ng GSNSAT, TESDA Advisory Council, School Administrators, mga dating empleyado ng GSNSAT at TESDA 12 ay nagging bahagi din sa nasabing programa.

    Emosyonal man ngunit umaapaw ang kaligayahan at ngiti sa bawat nagtapos sa programa, dahil na rin sa pag-asa na dala ng TESDA.

    Sa ngayon ay patuloy parin ang enrollment at iba pang mga programa ng GSNSAT hindi lang para sa probinsya ng Sarangani kundi maging sa iba pang mga lugar sa rehiyon.

    (Source: TESDA Region 12)

    Leave a Reply