400 kilo ng shabu nakumpiska sa Australia

0
21

400 kilo ng crystal methamphetamine o shabu ang nakumpiska sa 4 na kalalakihan sa Australia.

Ang mga nasabing droga ay nakalagay sa halos 800 bote ng imported hot sauce.

Ang mga naturang kontrabando ay nakumpiska matapos makakuha ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa inilagay na droga sa chilli sauce na galing Amerika patungong Sydney, Australia.

Iniimbestigahan pa ang mga nahuling suspek na hinihinalang miyembro ng isang sindikato ng droga.