36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

40 Pinoy nurses at engineers sa Libya nakaumang sa panganib

- Advertisement -

Nasa 40 Filipino nurses at mga engineers sa Libya ang nakaumang sa panganib dahil sa patuloy na pagtangging umalis sa pinapasukang ospital at kumpanya.

Sa kanyang twitter account, sinabi ni Ambassador Elmer Cato na patuloy sa kanilang trabaho ang mga Pinoy nurses at engineers sa labas ng Tripoli kung saan matindi ang labanan at pagpapasabog.

Sinabi ni Cato na nasa 400 Pilipino rin ang malalagay sa panganib sa sandaling pumasok o madamay na ang Tripoli sa labanan.

Dahil dito, muling umapela si Cato sa kaanak ng mga OFWs sa Libya na narito sa Pilipinas na sila na mismo ang kumumbinsi sa kanilang kaanak na magpa-relocate o umuwi na muna sa Pilipinas.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -