4 patay sa tangkang terrorist attack sa Saudi Arabia

0
56

Apat (4) ang patay sa tangkang pag-atake sa isang police station sa lungsod ng Zulfi, Saudi Arabia.

Tatlong (3) pulis naman ang nasugatan sa nabigong pag-atake ng apat (4) na hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa mga awtoridad, tinangka ng isang grupo ng mga terorista na banggain ang security barrier upang makapasok sa police station.

Dalawang (2) lalaki ang lumabas mula sa sasakyan at namaril ng mga pulis habang sinubukan ng isa pang suspek na magpatiwakal gamit ang explosive belt pero agad itong pinagbabaril ng mga awtoridad.

Inaalam na kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing pag-atake.