4 na tindahan ng lechon sa Cebu ipinasara

4 na tindahan ng lechon sa Cebu ipinasara

by Powered by DWIZ
0 comment 13 views

Apat na tindahan ng lechon sa loob ng palengke ang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Carcar City sa Cebu.

Ang pagpapasara sa mga nasabing lechunan ayon kay Mayor Mercedita Apura ay kasunod ng mga reklamo laban sa mga ito.

Kabilang sa mga paglabag ng mga nasabing tindahan ng lechon ay kawalan ng mayor’s permit, sanitary permit permit, madayang timbangan at pagtitinda ng leftovers o tirang karne at reheated lechon.

Dahil dito ipinag utos ni Apura ang pagsusuri sa iba pang tindahan ng lechon para matiyak na may mga kaukulang papeles ang mga ito lalo na ng mayor’s permit.

 

0 comment

Related Posts